Showing posts with label value. Show all posts
Showing posts with label value. Show all posts

Wednesday, August 5, 2009

grabe sayang


kapag may nababalitaan tayong pumanaw, nasa oras man o wala, bukod sa pasasalamat ay panghihinayang ang nangingibabaw na emosyon sa atin...

- sayang ang bata pa niya ang dami pa nyang pwedeng magawa
- wala na siya iniwan na niya tayo pano na

hindi maiaalis na mas piliin natin na tayo ay malungkot at damahin ang pighati. bahagi ito ng tinatawag na healing process. ngunit habang tayo ay nalulungkot at nanghihinayang sa pagkawala ng ating minamahal, ni minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili...

- hinayang na hinayang ako sa pagkawala niya at sa mga maari pa nyang nagawa, eh ako ano ba ang ginagawa ko sa buhay ko?

bahagi na ng buhay ang mamatayan ng minamahal, pero ang pagkamatay o paglisan ng ating minamahal ay hindi natin panghihinyangan kung ating pagpapahalagahan at isasabuhay ang mga magagandang bagay na itinuro at ibinahagi nila sa atin.

at kasabay nito, tayo din ay magdasal ng mataimtim at humiling sa Panginoon ng paggabay sa iisang buhay na kanyang ibinigay at ipinagkatiwala sa atin.